top of page

HABAMBUHAY KONG DADALHIN ANG AKING ADBOKASIYA

#StoriesFromTheField ayon sa salaysay ni Janerah M. Abdulmoin


Nagsimula akong magtrabaho sa mga komunidad noong 2017—noong nangyari ang Marawi Siege. Naging volunteer ako sa iba’t-ibang mga organisasyon at nakisalamuha sa mga komunidad at sa mga tirahan ng mga internally displaced persons.


Masaya at nakatutuwa ang magtrabaho at makisalamuha sa mga komunidad dahil nakikita mo ang kanilang perspektibo, ang kanilang mga problema, paano nagagawan ng paraan at solusyon ang mga problema, pati na ang kanilang pakikipagusap sa mga taong may kakayahan tumulong sa kanila. Nadadagdagan ang aking kaalaman sa nakikita kong pamamaraan at pamumuhay sa mga komunidad.


Bilang humanitarian worker, hindi ko malilimutan ang aking pagtulong sa mag-ina na biktima ng violence against women and children. Habambuhay kong dadalhin ang aking adbokasiya para sa mga kababaihan at ang kanilang mga karapatan.


Maayos na sistema ng pakikipagusap sa komunidad—ito ang pinakaimportanteng aral na natutunan ko mula sa pakikipagugnayan sa kanila. Maglalaan sila ng oras para makausap ka lalo na’t naipaalam nang maayos ang layunin ng aking pagbisita.


---

Regional Coordinator ng MedNet para sa BARMM si Janerah. Mula sa tribo ng M’ranao, nakatira siya sa Lanao del Sur. Isa siyang lisensyadong guro at kasalukuyang nag-aaral ng abogasya sa Mindanao State University. Ayon sa kanya, nakatutulong ang kanyang pinag-aralan sa kasalukuyang trabaho sa MedNet dahil sa usapin sa rido at mediation.
11 views0 comments

Comments


bottom of page