top of page

MAY KAUGNAYAN ANG ATING KALIKASAN SA MGA KOMUNIDAD

#StoriesFromTheField ayon sa salaysay ni Ginelle Pabillo


Sa kalagitnaan ng pandemya, naging humanitarian worker ako at tumulong sa mga komunidad na naapektuhan ng bagyong Odette at ng COVID-19. Dito mas naging malinaw sa akin na may kaugnayan at hindi mapaghihiwalay ang ating kalikasan sa mga komunidad. Malaki ang papel [na ginagampanan] ng mga komunidad sa pangangalaga ng kapaligiran. At kapag hindi, ang mga komunidad din ang magdurusa.


Nakatutuwa at hindi malilimutan ang bawat ugnayan sa mga komunidad. Maraming kang matutuklasan na bagong kaalaman at kwentuhan. Masaya ang pakikinig sa mga istorya nila. Nakatataba ng puso na makita ang mga komunidad na umunlad at magtagumpay na naayon sa minimithi nila. Dito ako humuhugot ng inspirasyon na mas pag-ibayuhin ang kakayahan ko bilang community organizer.


Sa pagbisita sa mga komunidad, marami ako nakukuhang mga importanteng detalye at kwento ng mga pangyayari. Mas lumalalim ang pagkakaunawa ko sa problema. Isang komplikadong usapin ang agraryo at ang programa. Mahalaga ang paguusap o mediation

para maabot ang win-win at unbiased solutions. Dahil sa huli, ang mamuhay ng maunlad at matuwasay ang ninanais ng bawat isa.

---

Regional Coordinate ng mednet para sa Eastern Visayas si Ginelle. Tubong Cebu City, isa siyang community organizer, conservationist at humanitarian worker na nakikipagugnayan sa iba’t-ibang sektor at komunidad sa Cebu, Northern Palawan at mga karatig lalawigan sa Visayas.
23 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page