top of page

#WomenInMediation featuring Mernalyn “Mheng” Isa

“After ng mediation training, malaki iyong impact sa personality namin. Lalo nang natugunan namin kung paano i-manage ang aming anger at emotions [bilang community development practitioners]. Nagpapasalamat kami sa MedNet. Kasi nasa context naming mga Tausug ang pagiging matapang. Pero nang dahil sa mga training, nagkakaroon kami ng personality development. ‘Yon ang unang-unang nai-improve sa amin, hindi lang iyong kaalaman.”

Isa si Mheng sa mga kalahok ng SPAN-WAVE Project ng UNDP at OPAPP na tumanggap ng ADR training noong 2018 at ng Women Insider Mediators–Rapid Action and Mobilization Platform na tumanggap ng mediation training noong 2022.


Nagtatrabaho siya bilang isang Executive Assistant sa Tawi-Tawi Provincial Women’s Council, na nagbibigay ng assistance para sa mga kababaihan at kabataan. Bahagi nang kanilang kampanya laban sa #ViolenceAgainstWomen ang paggamit ng harmony-based at interest-based mediation approaches lalo na para sa mga kababaihang hiwalay sa kanilang asawa na nais humiling ng spousal support.

4 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


bottom of page